Mga namuong bato sa bato
Yugto 221 minuto 11 segundo
Ipinapaliwanag ni Neff kung ano ang mga bato sa bato, kailan kailangang magpagamot agad, at kung ano ang maaari ninyong gawin para maiwasang magkaroon muli nito.
Panoorin ang bidyo
Mga namuong bato sa bato
Video, 1 minuto 11 segundo.
- Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.
- Sinuri ang katumpakang medikal ng bersiyong Ingles ni Shree Mulay, MD noong
Lumalabas sa screen ang mga salita habang nagsasalita si Neff. Pindutin po ang play kapag handa na kayo.
Magbasa habang nanonood
Narito ang lahat ng sinasabi ni Neff sa bidyo.
- Kumusta, ako si Neff! Pag-usapan natin ang mga bato sa bato. Ano ang mga ito? At ano ang maaari ninyong gawin para maiwasang magkaroon muli nito?
- Ang bato sa bato ay isang matigas na pirasong parang munting bato. Nabubuo ito sa inyong bato mula sa mga mineral sa inyong ihi.
- Ang ilan ay kasingliit ng butil ng buhangin. Ang maliit na bato ay maaaring kusang lumabas sa ihi. Ang mas malaki ay maaaring maipit at humarang sa daloy ng inyong ihi.
- Maaaring magdulot ang bato ng matalim na pananakit sa inyong likod, tagiliran, o puson. Maaari kayong makakita ng dugo sa inyong ihi.
- Matinding pananakit na hindi nawawala? Lagnat at panginginig? Pagsusuka? Magpagamot agad.
- Nagkaroon na ba kayo ng bato sa bato? Mas malaki ang posibilidad na magkaroon kayong muli nito. Pero may mga hakbang na makatutulong para maiwasan ito.
- Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng sapat na likido, na karamihan ay tubig. Pero kung may sakit kayo sa bato, maaaring iba ang daming angkop sa inyo. Kaya itanong sa amin kung gaano karami ang dapat ninyong inumin.
- Makatutulong din ang pagbawas ng asin sa pagkain. At huwag alisin ang kalsiyum sa inyong pagkain maliban kung ipinayo namin ito.
- May lumabas bang bato sa inyong ihi? Subukang saluhin ito at dalhin sa amin. Kapag alam namin ang uri nito, mas mapaplano namin kung paano maiiwasang magkaroon muli nito.
- Narito kami para tumulong. Itanong po ang inyong mga katanungan sa bawat konsultasyon. Sama-sama nating pangalagaan ang inyong mga bato!
Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.
Matinding pananakit na hindi nawawala? Lagnat at panginginig? Pagsusuka? Magpagamot agad.
Makipag-usap sa pangkat na nangangalaga sa inyo
Makakatulong ang bidyong ito sa inyong pag-unawa. Hindi nito matutukoy ang kalagayan ng inyong mga bato. Alam ng pangkat na nangangalaga sa inyo ang inyong kalusugan. Itanong po sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng mga numero sa inyong mga resulta para sa inyong kalusugan.
Magbasa pa
Iba pang paraan para manood
Para sa panonood sa telepono o TV, o pagbabahagi sa pamilya.
May tanong po ba kayo tungkol sa inyong mga bato?
Tawagan po kami o magtanong sa inyong susunod na konsultasyon. Malugod kaming tutulong.