Maling paniniwala: Kung maayos ang pakiramdam ko, maayos din ang aking mga bato

Paglilinaw sa maling paniniwala 30 min 32 seg

Karaniwang walang sintomas ang sakit sa bato sa maagang yugto nito. Sa katunayan, umaabot sa siyam sa bawat sampung nasa hustong gulang na may sakit sa bato ang hindi nakaaalam na mayroon sila nito.

Panoorin ang bidyo

Maling paniniwala: Kung maayos ang pakiramdam ko, maayos din ang aking mga bato

Video, 0 minuto 32 segundo.

  • Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.
  • Sinuri ang katumpakang medikal ng bersiyong Ingles ni Shree Mulay, MD noong

Lumalabas sa screen ang mga salita habang nagsasalita si Neff. Pindutin po ang play kapag handa na kayo.

Magbasa habang nanonood

Narito ang lahat ng sinasabi ni Neff sa bidyo.

  1. Kumusta, ako si Neff! Maling paniniwala: Maayos ang pakiramdam ko, kaya maayos din ang mga bato ko.
  2. Karaniwang walang sintomas ang sakit sa bato sa maagang yugto nito. Maaaring maayos naman ang inyong pakiramdam.
  3. Sa katunayan, umaabot sa siyam sa bawat sampung nasa hustong gulang na may sakit sa bato ang hindi nakaaalam na mayroon sila nito.
  4. Ang tanging paraan para makatiyak ay ang pagsusuri ng dugo at ihi. Simple lang ang mga pagsusuring ito.
  5. May diyabetis o mataas na presyon ng dugo ba kayo? Magtanong sa amin tungkol sa pagpapasuri. Sama-sama nating pangalagaan ang inyong mga bato!

Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.

Makipag-usap sa pangkat na nangangalaga sa inyo

Makakatulong ang bidyong ito sa inyong pag-unawa. Hindi nito matutukoy ang kalagayan ng inyong mga bato. Alam ng pangkat na nangangalaga sa inyo ang inyong kalusugan. Itanong po sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng mga numero sa inyong mga resulta para sa inyong kalusugan.

Tumawag sa (731) 300-6155

May tanong po ba kayo tungkol sa inyong mga bato?

Tawagan po kami o magtanong sa inyong susunod na konsultasyon. Malugod kaming tutulong.