Maling paniniwala: Laging nangangailangan ng dialysis ang CKD

Paglilinaw sa maling paniniwala 50 min 32 seg

Hindi lahat ng may sakit sa bato ay nangangailangan nito. Kakailanganin lamang ninyo ito kung hindi na gumagana ang inyong mga bato. Kahit mangyari iyon, may iba’t ibang pagpipilian: dialysis, transplant, o pangangalaga nang walang dialysis o transplant.

Panoorin ang bidyo

Maling paniniwala: Laging nangangailangan ng dialysis ang CKD

Video, 0 minuto 32 segundo.

  • Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.
  • Sinuri ang katumpakang medikal ng bersiyong Ingles ni Shree Mulay, MD noong

Lumalabas sa screen ang mga salita habang nagsasalita si Neff. Pindutin po ang play kapag handa na kayo.

Magbasa habang nanonood

Narito ang lahat ng sinasabi ni Neff sa bidyo.

  1. Kumusta, ako si Neff! Maling paniniwala: dahil may sakit ako sa bato, kakailanganin ko ng dialysis.
  2. Hindi lahat ng may sakit sa bato ay nangangailangan nito. Kakailanganin lamang ninyo ito kung hindi na gumagana ang inyong mga bato.
  3. Sa maagang yugto, bahagi ng pangangalaga ang masustansiyang pagkain, pananatiling aktibo, at gamot. Maaaring makatulong ang mga ito na mapabagal ang paglala ng sakit.
  4. Kahit mangyari iyon, may iba’t ibang pagpipilian: dialysis, transplant, o pangangalaga nang walang dialysis o transplant.
  5. Katuwang namin kayo sa pagpili ng inyong pangangalaga. Magtanong sa amin tungkol sa inyong plano sa pangangalaga. Sama-sama nating alagaan ang inyong mga bato!

Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.

Makipag-usap sa pangkat na nangangalaga sa inyo

Makakatulong ang bidyong ito sa inyong pag-unawa. Hindi nito matutukoy ang kalagayan ng inyong mga bato. Alam ng pangkat na nangangalaga sa inyo ang inyong kalusugan. Itanong po sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng mga numero sa inyong mga resulta para sa inyong kalusugan.

Tumawag sa (731) 300-6155

May tanong po ba kayo tungkol sa inyong mga bato?

Tawagan po kami o magtanong sa inyong susunod na konsultasyon. Malugod kaming tutulong.