Maling paniniwala: Ang pananakit ng likod ay nangangahulugang may problema sa bato

Paglilinaw sa maling paniniwala 10 min 33 seg

Kadalasan, ang pananakit ng likod ay dulot ng problema sa mga kalamnan o gulugod. Kadalasang walang nararamdamang sakit ang mga may sakit sa bato. Maaaring malaman kung may sakit sa bato sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo at ihi.

Panoorin ang bidyo

Maling paniniwala: Ang pananakit ng likod ay nangangahulugang may problema sa bato

Video, 0 minuto 33 segundo.

  • Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.
  • Sinuri ang katumpakang medikal ng bersiyong Ingles ni Shree Mulay, MD noong

Lumalabas sa screen ang mga salita habang nagsasalita si Neff. Pindutin po ang play kapag handa na kayo.

Magbasa habang nanonood

Narito ang lahat ng sinasabi ni Neff sa bidyo.

  1. Kumusta, ako si Neff! Maling paniniwala: masakit ang likod ko, kaya tiyak na may problema sa mga bato ko.
  2. Huwag munang magpalagay! Kadalasan, ang pananakit ng likod ay dulot ng problema sa mga kalamnan o gulugod.
  3. Ang pananakit na nagmumula sa inyong mga bato ay madalas magsimula sa tagiliran, halimbawa kapag may namuong bato o may impeksiyon.
  4. Kadalasang walang nararamdamang sakit ang mga may sakit sa bato. Maaaring malaman kung may sakit sa bato sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo at ihi.
  5. Masakit ang inyong tagiliran at may lagnat? May dugo sa inyong ihi? Magpatingin. Nag-aalala? Magtanong sa amin. Sama-sama nating alagaan ang inyong mga bato!

Ginawa gamit ang AI ang boses ni Neff.

Makipag-usap sa pangkat na nangangalaga sa inyo

Makakatulong ang bidyong ito sa inyong pag-unawa. Hindi nito matutukoy ang kalagayan ng inyong mga bato. Alam ng pangkat na nangangalaga sa inyo ang inyong kalusugan. Itanong po sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng mga numero sa inyong mga resulta para sa inyong kalusugan.

Tumawag sa (731) 300-6155

May tanong po ba kayo tungkol sa inyong mga bato?

Tawagan po kami o magtanong sa inyong susunod na konsultasyon. Malugod kaming tutulong.